Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2022

CVAP Day 4 - Road to FOURever

 "Walang nagsisimula na magaling na kaagad, kaya lang naging magling kasi nagsimula." Habang inaayos ko ang aking mikropono at headset, biglang sumagi sa isip ko itong sinabi ni Voicemaster Pocholo Gonzales noong unang araw ng CVAP Training namin. Napaisip ako, kung hindi ko 'to sinimulan, malamang hindi ko natututunan ang mga bagay na nalaman ko dito. Malamang hindi ko nakilala ang mga taong ngayon ay parte na ng pagtupad ko ng pangarap ko.  "Great day Voicemates!" Aba teka, Day 4 na pala. Nagising ako sa katotohonan nang marinig ko na ang boses ni Sir Rich, saka ko lamang rin naaalala na huling araw na pala ng workshop. Ang bilis!! Parang kailan lang eh nangangapa pa ako sa dapat kong gawin. Parang kailan lang eh kokonti pa lang ang aking nalalaman sa mundo ng Voice Artistry. Pero ngayon, nakikita ko na ang Road to FOURever dahil sa mga trainers kagaya ni Ms. Lynn at Sir Reymar na muling dinagdagan ang mga kaalaman namin. ONE. One-derful Experience. Sa pagsaba

CVAP Day 3- TRESpesyal na Araw

 "Aanhin  pa ang boses, talento at karunungan, kung hindi naman gagamitin sa kabutihan" Isa sa mga tumatak sakin na Papalemism. Bakit kamo? Hindi lang dahil sa isa si Papa Lem sa naging trainer ngayong araw. Pero dahil pinatunayan lang naman kasi nito na hindi mo naman na hindi lang sa ganda ng boses at talento natatapos ang lahat pero kung paano mo naibabahagi sa ibang tao ang kabutihan at ang iyong mga natutunan.  Kaya naman masayang-masaya ako na hindi lang isa kundi dalawa pa ang naging speaker namin ngayong Day 3. Day 3? Day 3 na pala kaagad? Ang bilis 'no? Kung umabot ka sa pagbabasa hanggang dito, salamat, dahil hinahayaan mo akong ibahagi sa'yo ang TRES pesyal na araw na ito.  T. Take care of your voice. Day 3 na pero yung learnings, hindi pa rin natatapos! At isa nga sa mga natutunan ko ngayong araw ay kung paano nga ba ang tamang pag-aalaga sa boses. Ika nga, boses ang puhunan kaya dapat iniingatan. Tatlong tips na tumatak sa akin? Unang tip, uminom na maram

CVAP Day 2- Ang PagTWOpad ng Pangarap

 "Ang bottom line, mag-FOCUS ka sa isang bahagi ng voice acting industry kung saan mo nakikitang mas made-develop at magtatagumpay ang sarili mo." 2019, tuwang-tuwa na ako na nakabili ako ng libro kasi 'yun pa lang ang kaya kong bilhin. Gustuhin ko mang pumunta sa Maynila para umattend ng workshop eh hindi talaga kaya ng budget ang pagpunta mula dito sa Batangas. Pero ano ba itong naririnig ko? Bakit parang 'yung binabasa ko lang noon, napapakinggan ko na sa sarili kong mga tenga ngayon?  Napasampal tuloy ako ng bahagya sa aking pisngi! TWO-too na nga pala. Totoo na nga pa lang naririnig ko na ang mga lessons na noon ay nababasa ko lang. Sa katunayan, Day Two na pala ng aming Voice Acting Workshop. Kaya naman habang nakikinig ako sa lecture, hindi ko maiwasang maitala ang dalawang bagay, dalawang aral at dalawang hamon na 'di ko makakalimutan ngayong araw.  TWO THINGS One. Audacity. Isa ang Audacity sa mga DAWs na maaari naming gamitin upang mas mapaganda pa ang k

CVAP Day 1- PanimuLaban!

   “Kapag stressed ka at hindi ka masaya, nasa maling pangarap ka. Pero kapag stressed ka ngunit masaya ka, nasa tamang pangarap ka na” Simula . Ito na ang simula ng pag-abot ko ng aking pangarap. Minsan na akong nag-alinlangan dahil sa kakulangan sa pagkukunan at kawalan ng kumpyansa sa sarili, subalit habang inaayos ko ang aking mikropono Sabado ng umaga, habang binubuklat ko ang aking laptop at inilalagay ang aking headphone sa aking tenga, napangiti ako. Nadagdagan pa ito ng biglang tinawag ako upang kamustahin ng mga napakahuhusay na hosts ng programa o workshop na matagal kong pinaghandaan at pinagdasal. Eh paano ba naman kasi nagsusuklay pa ako ng mga oras na iyun, hindi pa ako ready! Pero naitawid pa rin. Kahit paano ay naibsan ang aking kaba sa pagbubukas ng panibagong pinto ng oportunidad. Isa sa mga sumalubong sa amin sa bungad ng pintong iyon, si Mr. Pocholo Gonzales. Voicemaster. Lodi ika nga. Lalo pa akong nabuhayan dahil sa mga salitang kanyang binitawan lalo na ng sabih