CVAP Day 4 - Road to FOURever
"Walang nagsisimula na magaling na kaagad, kaya lang naging magling kasi nagsimula." Habang inaayos ko ang aking mikropono at headset, biglang sumagi sa isip ko itong sinabi ni Voicemaster Pocholo Gonzales noong unang araw ng CVAP Training namin. Napaisip ako, kung hindi ko 'to sinimulan, malamang hindi ko natututunan ang mga bagay na nalaman ko dito. Malamang hindi ko nakilala ang mga taong ngayon ay parte na ng pagtupad ko ng pangarap ko. "Great day Voicemates!" Aba teka, Day 4 na pala. Nagising ako sa katotohonan nang marinig ko na ang boses ni Sir Rich, saka ko lamang rin naaalala na huling araw na pala ng workshop. Ang bilis!! Parang kailan lang eh nangangapa pa ako sa dapat kong gawin. Parang kailan lang eh kokonti pa lang ang aking nalalaman sa mundo ng Voice Artistry. Pero ngayon, nakikita ko na ang Road to FOURever dahil sa mga trainers kagaya ni Ms. Lynn at Sir Reymar na muling dinagdagan ang mga kaalaman namin. ONE. One-derful Experience. Sa pagsaba