CVAP Day 4 - Road to FOURever
"Walang nagsisimula na magaling na kaagad, kaya lang naging magling kasi nagsimula."
Habang inaayos ko ang aking mikropono at headset, biglang sumagi sa isip ko itong sinabi ni Voicemaster Pocholo Gonzales noong unang araw ng CVAP Training namin. Napaisip ako, kung hindi ko 'to sinimulan, malamang hindi ko natututunan ang mga bagay na nalaman ko dito. Malamang hindi ko nakilala ang mga taong ngayon ay parte na ng pagtupad ko ng pangarap ko.
"Great day Voicemates!" Aba teka, Day 4 na pala. Nagising ako sa katotohonan nang marinig ko na ang boses ni Sir Rich, saka ko lamang rin naaalala na huling araw na pala ng workshop. Ang bilis!! Parang kailan lang eh nangangapa pa ako sa dapat kong gawin. Parang kailan lang eh kokonti pa lang ang aking nalalaman sa mundo ng Voice Artistry. Pero ngayon, nakikita ko na ang Road to FOURever dahil sa mga trainers kagaya ni Ms. Lynn at Sir Reymar na muling dinagdagan ang mga kaalaman namin.
ONE. One-derful Experience. Sa pagsabak namin sa Day 4, isang pakulo ang naisip ni Ms. Lynn para mas maengganyo kami na matuto at mabuhay ang mga natutulog naming mga diwa. CVAA Game. Certified Voice Artist Ako Game ang nilaro namin kung saan huhulaan namin ang tinutukoy ng mga pangungusap gamit ang mga pinaglabo-labong mga titik ng salita. Bongga!!! May cash prize kaya naman syempre hinusayan natin. Nakakaaliw kasi isa ako sa mga nanalo, may pangmeryenda ka na, may natutunan ka pa! Oh diba?
TWO. TWOols of a CVA. 'Pag pinasok mo na ang mundo ng Voice Acting, dapat handa ka. At narito ang ilan sa mga tools na kelangang mayroon ang isang CVA. Una, VO Reels, ito kasi 'yung magsisilbing sample at unang titingnan ng mga companies na maaaring kumuha sayo. Pangalawa, resume, kumbaga ito ang magiging ID mo kung saan makikita ang pagkakakilanlan mo bilang isang CVA. Pangatlo, contract of agreement para sa mga voice over projects. Kailangang maging matalino tayo sa pakikipag-usap sa mga companies o organizations na gusto tayong kunin para magvoice over. Iwasan ang mga red flags! At pinakahuli, voice over projects and opportunities, eh paano nga ba makukuha ang mga ito? Syempre, sa tulong ng mga talent and casting agency gaya ng MetaVoices na tutulong para magbukas ng mga pinto ng bagong opurtunidad.
THREE. THREEling moment. Noong araw din na iyun, nakasama naman namin si Sir Reymar o mas kilala bilang RamyerTV. At grabe! Para akong nananaginip lang, parang dati, dinuduet ko lang sa Tiktok 'yung mga KDrama Dubbing Challenge nya, pero ngayon, kaharap na namin sya. Ibinabahagi ang naging buhay niya at kung paano siya nagsimula. Kung paanong naging tulay sa pagtupad ng pangarap niya ang CreatiVoices at si Mr. Pocholo. 'Yung kilig ko habang nakikinig, umaapaw!
FOUR. Road to FOURever. Huling araw man na ito ng aming training, pero alam ko simula pa lamang ito. Kumbaga sa isang kompetisyon sa pagtakbo, nasa starting line pa lang kami. At upang makarating sa finish line, dapat ay baon namin lahat ng hirap at pagod pati na rin ang saya na dulot ng bawat araw ng ensayo. At sa aming Invoicetiture, ihahanda naman namin ang sarili namin sa totoong mundo ng Voice Acting. Handa na kaming tahakin ang Road to FOURever dala ang mga aral at mga karanasang FOURever din naming dala-dala.
Ps. Abangan mo ang Batch 12 Recital namin ha? Kahit hindi na kailangan o required sa training, ibabahagi ko pa rin sa'yo ang bawat hakbang at effort na pinakita ng bawat isa para mapagtagumpayan namin ang aming Batch Recital! At sa bawat projects na makukuha ko (claim na natin!), isasama kita sa karanasan ko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento