CVAP Day 3- TRESpesyal na Araw

 "Aanhin  pa ang boses, talento at karunungan, kung hindi naman gagamitin sa kabutihan"

Isa sa mga tumatak sakin na Papalemism. Bakit kamo? Hindi lang dahil sa isa si Papa Lem sa naging trainer ngayong araw. Pero dahil pinatunayan lang naman kasi nito na hindi mo naman na hindi lang sa ganda ng boses at talento natatapos ang lahat pero kung paano mo naibabahagi sa ibang tao ang kabutihan at ang iyong mga natutunan. 

Kaya naman masayang-masaya ako na hindi lang isa kundi dalawa pa ang naging speaker namin ngayong Day 3. Day 3? Day 3 na pala kaagad? Ang bilis 'no? Kung umabot ka sa pagbabasa hanggang dito, salamat, dahil hinahayaan mo akong ibahagi sa'yo ang TRESpesyal na araw na ito. 

T. Take care of your voice. Day 3 na pero yung learnings, hindi pa rin natatapos! At isa nga sa mga natutunan ko ngayong araw ay kung paano nga ba ang tamang pag-aalaga sa boses. Ika nga, boses ang puhunan kaya dapat iniingatan. Tatlong tips na tumatak sa akin? Unang tip, uminom na maraming tubig. Ito 'yung dapat ko talagang makaugalian, oo, aminado naman ako hindi ako palainom ng tubig(HAHA). Pangalawa, iwasan ang mga pagkain na maaaaring makaapekto sa boses. Oops! Hindi rin ako nakailag. Isa rin ito sa mga dapat kong bantayan, ang pah-iwas sa mga maaanghang na pagkain at sa malalamig na inumin. At pinakahuli ngunit pinakamahalaga para sa akin, voice rest. Para sa kagaya kong nagtatrabaho sa radyo araw-araw, ito talaga ang isa sa mga pinakakailangan ko. 

R. Record yourself. Practice, practice, practice. Kada practice, mas okay kung irerecord mo ang sarili mong boses upang mas marinig mo rin kung alin pa bang mga aspeto ang dapat mong ayusin. Isa nga sa mga pwede mo din daw i-try na i-record ay ang pagpapractice ng mga tongue twisters, mapa-tagalog man o English. Oh diba? Nahasa mo na ang pronunciation mo, nakakapagbigay ka pa ng sarili mong feedback sa boses mo? 

E. Elements of Voice. Aminado ako, hindi ko forte ang pagpapalit-palit o panggagaya ng boses. Pero dahil sa lecture namin ngayong araw, may natutunan akong tips. Isa sa mga paraan para maiba mo ang iyong boses ay sa pagsasaalang-alang ng mga elemento ng boses gaya ng pitch, pitch character, rhythm, tempo, placement at mouthwork. Natutunan ko rin ang formula para sa pagbuo ng character voices gamit lamang ang mga nabanggit na elements. Hindi lang pala sa Math may formula, sa Voice Acting din!

S. Social Media Tips. Promote, promote din! Syempre, aanhin mo naman 'yung mga magagandang materials mo kung hindi naman maririnig ng ibang tao. Thanks to Papa Lem, nakakuha kami ng tips para maipromote ang branding namin. Dahil nga napakalaking avenue na ng social media, mas mabuti kung mas matuto rin tayo kung paano magagamit ito. Una, sumali sa mga communities na may kaparehong interes gaya ng CVAP. Panagalawa, alamin kung ano ba ang trending para makasabay tayo sa mga usong contents. At panghuli pero nakapahalaga rin, makinig sa gusto ring mapakinggan ng iyong audience. A good speaker is a good listener ika nga. 

Ilan lamang yan sa natutunan ko ngayong araw, kapag kasi nilagay ko dito lahat baka maging nobela na 'to. Isang araw na punong-punong ng kaalaman, tawanan, kulitan. Habang mas tumatagal ako dito, mas nararamdaman ko na bagong tahanan ang nabuo namin. Kasama ang mga kapwa ko nangangarap na magbigay boses sa ibang tao, isa na namang hindi makakalimutan ang TRESpesyal na araw na ito. 

Mga Komento